SRP ng kandila, nadagdagan ng P1: DTI

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2018 01:30 PM

Tumaas ng P1 ang suggested retail price ng kandila sa mga pamilihan, sinabi nitong Lunes ng Department of Trade and Industry.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, inaprubahan ng ahensiya ang hiling ng isang local candle manufacter na itaas ng P1 ang SRP ng produkto.

Bunsod ito ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar at pagtaas ng presyo ng raw materials sa paggawa ng kandila, ayon kay Castelo.

Tumaas man ang presyo, mas mababa pa rin daw sa SRP ang bentahan ng kandila sa mga supermarket dahil karaniwang dumidikit lang sa SRP ang presyo ng kandila tuwing Undas. -- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.