Lalaking natalo sa eleksiyon, isinara ang daan sa Iligan

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2018 10:30 PM

May kondisyon si Souviron upang muli niyang ipagamit ang lupa.

ILIGAN CITY - Isinara ni Rosendo Souviron ang 26 square meters na lupain sa harap ng barangay hall ng San Roque, Iligan City. 

Nag-iwan lang ito ng kaunting daanan ng mga tao pero wala nang nakakapasok na mga sasakyan. 

"Hindi kasi sila ibinoto noong eleksyon. Nababahala kami kapag nagkasunog, di makakadaan ang mga firetruck," ayon sa isang residente.

Ayon kay Souviron, nabili niya ang lupa limang taon na ang nakararaan at hinayaan lang niyang dumaan rito ang mga tao pero gagamitin na umano niya ito ngayon. 

Kinumpirma ni Punong Barangay Humberto Ermac na nabili nga ni Souviron ang lupa pero nag-donate rin umano ng may tatlong metro ang dalawang naunang nagmay-ari ng lupa. 

Idinulog na ni Ermac ang problemang ito sa mga opisyal ng lungsod.

May kondisyon si Souviron upang muli niyang ipagamit ang lupa. 

Ilan sa kaniyang hiling ay i-audit ang pondo ng barangay, ipagawa ang drainage, at lagyan ng traffic light ang barangay. 

"Ang dami kasing problema ng San Roque na napabayaan lang," sabi niya.

Wala na rin umanong siyang balak tumakbo ulit dahil inaasahan niyang mailuluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ano mang posisyon sa pamahalaan dahil sa kaniyang pagiging presidente ng PDP-Laban sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.