Judy Ann at Kapamilya celebs, nakiramay sa pagpanaw ni Anthony Bourdain

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2018 12:27 PM | Updated as of Jun 11 2018 01:07 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Kabilang ang mga Kapamilya celebrities sa milyon-milyong nakiramay sa pagpanaw ng celebrity chef na si Anthony Bourdain.

Ayon kay Bianca Gonzalez, paalala ito sa atin na maging mabuti sa isa't isa.

Gayundin, sinabi ni Bela Padilla na magsilbing wake-up call ang naging pagkamatay nina Kate Spade at Anthony Bourdain pagdating sa pagtrato sa isa't isa.

Mensahe naman ni Anne Curtis, totoo ang sakit na depression.

Nagbahagi naman ang Kapamilya journalist na si Ces Drilon ng retrato kasama si Bourdain.

Ipinost din ni Judy Ann Santos ang retrato niya kasama ang celebrity chef at ayon pa kay Judy Ann, natatandaan niya noong bigla siyang mapa-Ingles nang diretso nang makausap niya si Bourdain.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.