Vice Ganda, may nakakakilig na mensahe kay Ate Girl

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2018 12:22 PM

MANILA -- "I got your back."

Ito ang mensahe ni Vice Ganda kay Jackque Gonzaga o mas kilala bilang Ate Girl ng "It's Showtime."

Nitong Linggo sa "Rated K," itinampok ang buhay ni Jackque, 23, mula sa Antipolo na hilig ang pagsasayaw mula noong siya ay bata pa. Taong 2015 noong mag-audition si Jaki at mapabilang sa mga dancer ng "It's Showtime."

Pag-amin ni Jackque, pinakamalaking break sa kanya ang maging tagahawak ng bowl para sa segment ng "Miss Q & A."

"Nag-try lang ako kasi per segment iba-iba ang naa-assign na dancer," ani Jackque na umaming hindi niya inaasahan na magiging matagumpay ang pagpapakilig sa audience kasama si Vice Ganda sa kanilang impromptu na kunwariang pagkakamabutihan.

Sa isang video message, ipinahatid naman ni Vice Ganda ang kanyang suporta kay Jackque.

"Jackque, keep it up. I'm so proud of you. Deserve mo lahat 'yan dahil mabuti kang tao, mabuti kang katrabaho, mabuti kang anak. Maganda kang soul. Kaya pagbutihan mo lang lagi. Pag-ingitan mo kung ano ang naibibigay na blessings sa iyo ngayon at eventually i-share mo rin siya sa iba. Jackque, I got your back," ani Vice Ganda.

Tulad ni Vice Ganda, mensahe ng suporta at pagmamahal ang ibinigay ng ina ni Jackque sa anak.

"Kung anuman ang nararating mo ngayon, lagi kang mapagkumbaba," ani Luisa, ina ni Jackque.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.