Tricycle driver na naka-uniporme ng pulis arestado

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2018 08:44 AM | Updated as of Jun 11 2018 09:41 AM

MANILA - Inaresto ang isang 18-anyos na tricycle driver dahil sa pagsusuot ng uniporme ng pulis habang namamasada sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga awtoridad nang mapansin nila ang teenager. Wala itong naipakitang police ID at driver's license.

Iginiit naman ng suspek na nabasa siya ng ulan kaya siya humiram ng damit sa kapwa driver, na nagpagamit sa kaniya ng police uniform.

Sa ilalim ng batas, maaaring makulong ng hanggang 6 na buwan ang mga hindi naman pulis na magsusuot ng uniporme ng mga ito.

Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.