UCPB branch sa Quezon City, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2018 08:14 AM

MANILA - Nasunog ang sangay ng isang banko sa Katipunan Avenue, Quezon City nitong Linggo.

Bandang alas-10:30 ng gabi napansin ng mga barangay tanod ang usok mula sa UCPB branch, pero walang guwardiya kaya kinailangan pang i-bolt cutter ang lock ng banko para mapasok ito, sabi ng mga bumbero.

Natupok sa 30-minutong sunog ang mga computer at dokumentong katabi lamang ng vault ng pera.

Nasa P20,000 ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog na posibleng nagsimula sa linya ng kuryente, sabi ni Insp. Jose Felipe Arreza ng Bureau of Fire Protection.

Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News