17 establisimyento, natupok sa Marinduque

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2018 04:46 PM

Kuha ni Mark Edson Magallanes

MAYNILA — Natupok ang 17 establisimyento sa Barangay Murallon sa bayan ng Boac, Marinduque nitong umaga ng Lunes.

Sa mga video na kuha nina Bayan Patroller Mark Edson Magallanes, makikitang nilalamon ng malaking apoy ang mga gusali.

Ayon kay Fire Superintendent Victoria Brual, provincial fire marshall ng Marinduque, natanggap nila ang ulat tungkol sa sunog pasado alas-5 ng madaling araw. 

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at tuluyang naapula pasado alas-11 ng umaga, ayon kay Brual.

Tinatayang nasa P25 milyon ang halaga ng napinsala mula sa mga establisimyento.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.