Ama, 3 anak patay sa sunog sa Sultan Kudarat

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2018 11:27 AM

SULTAN KUDARAT, Maguindanao - Patay ang isang lalaki at 3 anak nito matapos masunog ang ilang bahay sa Barangay Katuli sa bayang ito, Martes ng madaling-araw.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng biktimang si Damus Araneta. Agad kumalat ang apoy sa 4 na katabing bahay na gawa umano sa light materials, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Kuwento ng mga residente, nakita at narinig nilang sumisigaw at humihingi ng tulong ang 3 anak ni Araneta sa loob ng nasusunog na bahay, pero walang paraan noon para makapasok.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang sunog na tumagal ng isang oras.
 
Ulat ni Lore Mae Andong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.