P29-M na marijuana nasabat sa 16 na taniman sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2018 12:05 PM

Photo courtesy: PDEA

MANILA - Aabot sa 145,200 na piraso ng marijuana na nagkakahalaga ng P29 milyon ang nakuha ng mga awtoridad mula sa 16 taniman sa Kalinga, Miyerkoles.

Nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga taniman matapos magsagawa ng dalawang araw na raid sa bayan ng Tinglayan.

Unang natagpuan ng mga awtoridad ang 9 na marijuana plantation na may kabuuang sukat na 9,710 square meters sa Barangay Bugnay noong Martes, Agosto 7.

Nang sumunod na araw ay nakita naman ng mga operatiba ang 7 marijuana plantation na may sukat ng 9,400 square meters sa Barangay Butbut Proper.

"We will continue to go back to the source wherever it may be until it is all eradicated," sabi ni PDEA Regional Office 2 Director Emerson Rosales.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.